Be a person, which everyone needs you.
Ito ang unang una kong filipino english post, at ito ay para sa iyo, ang aking mahiwagang kaibigan
Suma sama na ang loob ko, kahit minsan pati ako ay naiinis, alam ko minsan naiinis ka na sa akin, dahil na kakainis na ako.. baka tama nga yung sabi ng papa ko, minsan, baka sa sobrang bait mo sa ibang tao, lalo ka lang nagpapadagdag ng problema sa kanya, kaya gusto ko na tong tigilin, dahil sa sobrang kilala ko na ang ugali mo, sobrang alang ala padin ako sayo, pero sa ngayon na kalagayan na to.. susuko na ako, baka di naman ako talaga karapatdapat na makialam sa buhay mo e, anu ba ako?
Parati nalang nagaalala sayo, parati kitang pinaaalala ng mga bagay, lahat nalang ay para sa iyong kabutihan, pero baka sobra sobra na mga ginawa ko, lalo ka lang maiinis sa akin, baka nga, di mo pa magugustuhan mga ginagawa ko sayo, napapadagdag ka lang ng problema. Kung gayan, tigil ko na to, kaw na may bahala sa sarili sa susunod, di na ako magpapa alala ng mga bagay, di na din ako magdadada na parang nanay ng kabilang bahay. I remain silent. Baka yan ang gusto mo, kasi, sumasama na ang loob ko, naiinis na ako.
Hehe, tanga ko, naiinis ako na di ko naman problema, bahala na nga..
ito ang payo ko sayo, wag dahil sa sandaling kasiyahan, at ipagbibigay mo ang iyong ka isa isang chansa, at maniwala ka, di na babalik tong chansa na to. Wag din dahil sa katamaran, at ipagwawala mo yung lahat na bagay na para sa iyo, di na to babalik, kung di ka gagalaw, mawawala lang yun, at ipagsisihan mo yun, kung sakali na gusto mo ng gumalaw.
Basta, kahit anu na, desisyon mo yun, at sana, wag mo yung ipagsisihan, sa huli, kung sakali na mali ang desisyon na ginawa mo. Sobrang rami ko ng na experience yan, at sa huli parati ko pinangsisisi, ayoko na matulad mo ako, ang aking mahiwagang kaibigan, sana mag isip ka ng mabuti, at irerespeto ko ang iyong desisyon, wala din kasi akong magagaha, yan lang magagawa ko sa pagiging kaibigan, ang kaya ko lang ibigay ay ang aking kaisipan at suggestion, at yung mga iba, ikaw na ang maybahala, palibasa, di ko naman maikontrol ang iyong katawan, at pagiisip.
Ikaw padin ang mahiwagang kong kaibigan, mahal kita, pero, tama na mga gawa ko, alam ko na inis ka na, kahit ako din, kasi di ka makadesisyon, at ako naman, alang alado sayo. Bahala ka na nga.
No comments:
Post a Comment